top of page
Search

Behind the Scenes

Writer's picture: Yuuki DdaYuuki Dda
“Kailangan pa ba ng degree ’yon? Eh hobby-hobby lang naman ’yan, Kahit ako, kaya ko ring gawin yan.”

Sa loob ng unang dalawang taon ko sa kursong Bachelor in Multimedia Arts (BMMA) sa Unibersidad ng Batangas, hindi na bago sa aking pandinig ang tanong na ito na paulit-ulit ko ring sinasagot sa pamamagitan ng pagpapaliwag kung ano nga ba ang sakop ng aking tinatahak na kurso na tila ba mayroon na akong sauladong script.


Hindi ko maiwasang sumama ang loob sa mga pang-aatakeng ginagawa ng mga taong nanghuhusga, nangmamaliit, at mamumula sa aming larangan bagama’t gagasino ang kanilang nakikita at nalalaman ukol sa mga trabaho at gawain ng artists.


Sa ating bansa, ang mga kurso at trabahong matunog ay tanging iyong may kinalaman sa siyensiya, matematika, o politika gaya ng mga doktor, inhinyero, at abogado. Simula pagkabata pa lamang, limitado na ang mga kursong ipinagpipilitan ng mga nakatatanda sa isang estudyante. Kung minsan pa ay tataliwasin nila ang mga batang may lakas ng loob na tahakin ang larangan ng sining.


Bukod pa rito, lubos ding nakakababa ang pagiging pesimista ng mga tao tungkol sa aming karera. Madalas nilang sinasambit ang mga mapanghimasok na tanong gaya ng “Ah, picture? Drawing? Eh pagkadali-dali naman pala niyan. Ano bang mararating mo riyan? Mapapakain ka ba niyan?


...


Read More: Opinion Page 12





 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page